Willie Revillame vs Jobert Sucaldito

Willie Revillame expressed his angst against Jobert Sucaldito on air recently. He threatens to quit as host of the famous noon time show Wowowee if Jobert won't get fired from Abs-Cbn. Here's an excerpt of Revillame's statement:

"Nananawagan ako sa management ng ABS-CBN, huwag n'yo namang payagan na tinitira ang show. Ang laki ng kita ng Wowowee para sa ABS. Mamili na kayo. Kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito sa Wowowee! Tandaan ninyo 'yan!"


"Wala na kayong ginawa kung hindi tirahin ako dito. Ilang taon na akong tumatahimik. Tinitira ako sa diyaryo ng Jobert na 'yan. Tahimik lang ako. Pero tandaan ninyo ito, kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito! Para po sa mga tao ito. Para sa mga taong espesyal, para sa mga 75 percent ang grades. Ipaglalaban ko ang mga estudyanteng 'yan.

"Sobra na! Huwag mong idadamay ang programang ito! Ang programang ito, ang may-ari ay Pilipino. Hindi ito magra-radyo. Mamaya 'yan kapag tinira mo pa ako, hindi na ako papasok dito sa ABS-CBN. Tandaan ninyo 'yan! ABS-CBN management, gawan ninyo ng paraan 'yan. Alagaan ninyo ang mga talent ninyo dahil kami ang nagbubuhos dito ng pagod at lahat. Huwag naman na dito sa sarili naming tahanan ay tinitira kami dito."

No comments: