Luningning, Milagring and Mariposa left Wowowee

Luningning, Milagring and Mariposa left Wowowee. There are rumors that the reason the trio left Wowowee is talent fee and insecurity. Luningning, Milagring and Mariposa have spoken, read their statements.
 
CAREER MOVE. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila nag-resign sa Wowowee?
 
Si Milagring (Annaliza Baldonado sa tunay na buhay) ang unang sumagot. Aniya, "Siyempre po, career move para mag-grow. Siyempre kailangan din po naming kumita ng mas malaki."
 
Ayon naman kay Luningning (Lea Carla Santos), "Kailangang mag-explore din kami ng iba. 'Yan, nagkakaedad na kami. Ilang taon na kami...kailangan din naming makaipon para sa pangangailangan sa pamilya."
 
Dagdag ni Mariposa (Rovielyn Cabigquez), "Ganoon din, gusto rin naming mag-move on at mag-grow. Hindi naman habambuhay nandun kami at sumasayaw, di ba?"
 
Hindi ba sapat ang kinikita nila sa Wowowee kaya kailangan nilang kumita ng mas malaki?
 
"Hindi po...sapat lang..." matipid na sagot ni Milagring
 
"Sapat lang sa pangangailangan namin sa araw-araw,"  sundot ni Mariposa
 
Pero ayon kay Milagring, "Siyempre, mas kailangan naming magtrabaho nang magtrabaho para dagdag-income, di ba?"
 
Sabi naman ni Luningning, "Basta sa four years na yun, sobra naman ang naitulong sa amin ng Wowowee, so give chance to others naman."
 
TALENT FEE ISSUE. Ano ang reaksyon nila sa isyung "kinakatkong" o binabawasan diumano ng manager nilang si Anna Feliciano ang talent fee nila?
 
"No comment po," sabay-sabay na sabi ng tatlong dancers.
 
Pero kinalaunan ay nagbigay na rin ng mas mahabang pahayag ang tatlo, pero halata pa ring ingat sila sa pagbibitaw ng salita.
 
Ayon kay Luningning, "Actually, hindi namin alam na 'katkong' ang tawag sa ganyan. Hindi naman talaga namin alam kung ano ang nangyayari o sistema niya [Anna] regarding sa budget."
 
"Basta kailangan lang naming kumita ng pera. Yun lang po," sabi naman ni Luningning. "Basta nagpalaam lang po kami. Hindi namin ini-expect na lalala ang isyu. Basta umalis lang kami kagaya ng ibang dancers dahil wala naman kaming kontrata. Nalungkot din kami na may taong nabulabog sa pag-alis namin. Hindi po namin ini-expect na uungkatin yung kay Tita [Anna]. Wala kaming kinalaman dun, e. Kumbaga, labas na po kami dun. Kung ano po ang nangyayari sa kanila ngayon, hindi na po namin alam dahil wala na po kami sa loob." - First read on Pep.ph

No comments: