DOJ dismisses Reckless Imprudence Resulting in Homicide case against Richard Gutierrez

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide na isinampa ni Lorayne Pardo laban sa aktor na si Richard Gutierrez. Si Lorayne ang biyuda ni Nomar Pardo, ang personal assistant ni Richard na nasawi sa vehicular accident na naganap noong May 22, 2009 sa Sta. Rosa, Laguna. 
 
Ang five-page resolution na ito ng DOJ ay inilabas noong March 10, 2010 at pinirmahan ni Secretary Agnes VST Devanadera.
 
Matatandaang sa unang desisyon ng Cavite Provincial Prosecutor's Office noong September 18, 2009 ay sinabi nilang may "probable cause" upang sampahan si Richard ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide dahil sa nangyaring aksidente. 
 
Nagsampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Lorayne laban kay Richard noong July 23, 2009 sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Lorayne na sinampahan niya ng kaso ang amo ng kanyang mister upang "malaman kung ano ang nangyari." - Continue at Pep.ph
 
All I can say is where is Bong Revilla when Lorayne needs some help? Poor Lorayne my sympathy is on you and your kids. You lost a loving husband and you get nothing in return. May our saviour help you and let the vengeance be upon Him. Take care and don't lose hope. Every day is a new day...

No comments: